Friday, March 24, 2006

...hindi ko alam kung ano ang itatak ko rito.....

Walang humpay ang pag-iisip ko sayo. Halos hindi matigil ang araw na hindi kita iniisip. Pagod ka na ba sa pagtakbo sa aking utak? (*corny*).


Ngunit, totoo, akala ko hanggang doon lang ang pagmamahal ko sa iyo. Ngunit, nang dumaan ang mga araw, buwan, at siyempre, mga tala, ang aking puso ay nagmistulang time bomb, na handang sumabog, sa kakaisip sa iyo. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sasabihin ko ba sayo? O itatago ko nalang ito sa napakaliblib na lugar sa aking puso?
Ikaw. Alam mo, hindi ko alam kung paano kita abutin. Siyempre, nakapiling na kita, ngunit, ang sinasabi kong "abutin" ay talagang ibang level na. Siyempre, hindi mo alam na may gusto ako sa iyo, pero siguro naman ay hindi mo rin mahalata na ikaw na ang binabanggit ko dito sa post na ito. At heto na, ...may gusto ako sa iyo....:)
Ok lang ba? hindi mo maaring sagutin yan kasi sa lahat ng mga babae na babasa nito, paano mo alam na ikaw ang tinuturo ko? Yan ang kagandahan ng isang blog. :)
Siguro naman, nahalata ko na may gusto kang iba. Yan na nga, PAANO KITA ABUTIN NGAYON? Minsan, iniisip ko, ikaw si Darna. Mahal ng lahat, kaya heto, kaagaw ko ang buong mundo.
Hindi pala...kaagaw ko lang SIYA.
Paano yan ngayon? Sa blog ko nalang idadaan ito. Kahit sulyap lang nga..pwede ba?
*awit na nananawagan, baka sakaling mapakikinggan*
mahal kita....mahal kita....mahal kita......
nakatutok ang tenga sa: video ng kamikazee...ano pa ba eh di Narda

4 comments:

inlovekefrits said...

wahahhahah in love... bakas sa entry na inspired by narda


siya nga ba yan? baka inde tama yung iniisip ko... dalwa kasi...


yay! adik sa blogging!


-- tama nga si anonymous... they're all coming...

Vicky said...

^_^ wink wink~

Sino yuuun... lol

These guessing games are so fun :P

missy said...

:D gio... nice one... dito ako nagcomment kasi..

natamaan ako.. ako yun noh?

hahaha. joke! :D alam ko naman ata sino yun.. well... try mo kaya sabihin sa kanya... :)

twistedigest said...

ayy..si Missy..so amvisyosa. hahahaha. HINDI IKAW YUN...LAYUAN MO NA AKO..ANG SABI KO, LAYUAN MO AKO...LAYUAN MO AKO..AHHHHH! jokE..AHAHAHAHAHA..PEACE.