Sunday, April 20, 2008

so manong at ang kanyang sobre

Photobucket

nakahandusay,
sa tabi ng eskinita
hawak-hawak ang sobreng kasing puti
ng ulap na siyang tanging nakikita
ng matandang nakaberde
at suot-suot ang kanyang kaisa-isang kalo
na punit-punit, at
nabahiran
ng dumi ng lansangan at ng buhay


hawak-hawak pa rin ang puting sobre
napatingin siya
sa eskinitang walang patutunguhan
habang nababasa ang kanyang harap
ng pawis at luha
siya'y tumayo...



at muling lumakbay patungo sa kabilang banda,
at habang binubulong kay Hesus
na sana'y tataba ang kanyang sobre,
at maawa sa kanya ang sambayanang Pilipinas
na, sa panahong iyon,
ay humahalik sa paa ni Manny Pacquiao
at umiihi sa pader ng Malakanyang



--- the photo above is one of the um...handful of pictures i've taken so far. most of them are "ok", but i still have to be at ease in taking shots of random people. the direct reference to manny pacquiao, is...what it is. i'm sure none of us actually grovel at his feet right now, well, except for his LV loving wife. everything of course, is a hyperbole. i just don't like him.

2 comments:

Anonymous said...

subtle

:)

Unknown said...

the drama in your photo, i feel it so much. havent seen such incidents in a while now.